Manila, Philippines – Pinasimulan na ng Quezon City government ang pag-relocate sa may 728 informal settler families na nakatira sa Tanque Creek sa NIA site sa barangay Pinyahan Quezon City na itinuturing na danger zone.
Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, naglabas na ng 3.6 milyong piso ang pamahalaang lungsod bilang tulong sa mga pamilya na maaapektuhan ng clearing operations.
Tiniyak ni Bautista na bawat pamilya ay makakatanggap ng tig-limang libong pisong financial assistance at ililipat sa mga available resettlement sites ng National Housing Authority.
Samantala pumayag din ang 700 informal settlers’ families sa Barangay Bagong Pag-asa na mailipat ng National Housing Authority Resettlement sites sa San Jose del Monte, Bulacan.
Layon naman nito na bigyang daan ang joint-venture agreement na pinasok ng National Housing Authority at Ayala Land Corporation, para i-develop ang North Triangle Area sa lungsod .