BIBIGYANG PAGKILALA | PRRD, pangungunahan ang paggunita ng National Heroes Day

Manila, Philippines – Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw, August 27 ang selebrasyon ng National Heroes Day.

Bibigyang pagkilala at pag-alala ngayong araw ang mga Pilipinong lumaban para sa kasarinlan ng bansa.

Sa statement ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), magkakaroon ng flag-raising at wreath-laying ceremonies sa libingan ng mga Bayani, sa Taguig City ganap na alas-8:00 ng umaga.


Ang wreath-laying rites ay gagawin sa Tomb of the Unknown Soldier.

Sa artikulong inilabas ng Official Gazette ang National Heroes Day ay ipinagdiriwang para gunitain ang katapangan ng lahat ng Pilipinong bayani na hinarap ang pagmamalupit at kamatayan para sa bayan, hustisya at kalayaan.

Facebook Comments