Bibilhing bakuna ng gobyerno kontra COVID-19, posibleng dumating sa bansa sa second quarter ng 2021

Inaasahang mas mapaaga pa ang pagdating sa Pilipinas ng mga bibilhing bakuna ng gobyerno kontra COVID-19.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, posibleng bago ang second quarter ng susunod na taon ay dumating na sa bansa ang COVID-19 vaccines.

Mas maaga ito kumpara sa unang target na ikalawang quarter ng 2021.


Paliwanag pa ni Domingo, posible ito lalo na kapag mayroon nang emergency use authority ang ibang bansa na mas mapapabilis sa gagawing evaluation process ng Pilipinas.

Matatandaang parehong nagpakita ng mataas na effectivity rate ang bakunang likha ng kompanyang Pfizer at Moderna kung saan plano na rin nilang humingi ng pahintulot para sa emergency use approval sa Estados Unidos.

Facebook Comments