Manila, Philippines – Nakatakdang bumisita ngayon sa Palasyo ng Malacañang ang Deputy Prime Minister at Minister of Foreign Affairs ng Qatar.
Nabatid na kahapon pa dumating sa bansa si Shiekh Mohammed Bin Abdulrahman Al-Thani at ngayong araw lang magsisimula ang mga opisyal na aktibidad nito.
12 mamaya ay makakasama nito sa tanghalian si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano bago ito dumeretso sa Malacañang pasado 2:00 ng hapon para sa kanyang courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Susunod na schedule ng Pangulo ngayong araw ay ang kanyang pangunguna sa GOCC Day na gagawin sa Malacañang at mamayang gabi naman ay dadalo si Pangulong Duterte sa PDP Laban Cares 1st anniversary na gaganapin naman sa Pasay City.
Facebook Comments