Manila, Philippines – Good news po sa mga fans ni Kevin Durant!
Bibisita sa Pilipinas ang reigning at two-time finals Most Valuable Player at Golden State Warriors superstar sa Linggo, July 08 2018.
Ito ang unang pagkakataon kung saan dadalaw sa Manila ang dati ring league MVP.
May mga aktibidad na inihanda para sa pagbisita ni Durant sa isang tindahan ng sapatos sa Bonifacio Global City.
Base sa mga ulat, pumirma na ng dalawang taong contract extension si Durant sa Warriors.
Facebook Comments