Manila, Philippines – Kinumpirma na ng Palasyo ng Malacañang na bibyahe si Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel sa susunod na buwan.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tinanggap ni Pangulong Duterte ang imbitasyon ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu kung saan inaasahang pupunta ang Pangulo sa Israel sa September 2 hanggang 5.
Sinabi ni Roque na ang pagbisitang ito ng Pangulo ay ang kaunaunahan mula ng mabuo ang diplomatic relations ng Pilipinas at Israel noong 1957 o 61 taon na ang nakalilipas.
Ibinida ni Roque na inaasahan na lalagdaan din ang ilang kasunduan sa pagbisita ng Pangulo sa Israel kung saan ang mga ito ay may kaugnayan sa labor, tourism, trade, agriculture, counter terrorism at security and law enforcement.
Bukod kay Netanyahu ay makakapulong din ni Pangulong Duterte si Israeli President Reuven Rivlin kung saan paguusapan Ang development cooperation, historical at people to people relations.
Sinabi din ni Roque na mayroong bit bit ang Pangulo na business delegation na dadalo naman sa busuness forum kung saan magsasalita ang Pangulo.
Hindi din naman aniya kalilimutan ni Pangulong Duterte ang mga OFW sa nasabing bansa dahil haharapin din ng Pangulo ang Filipino Community sa Israel.