BIBISITA | Stephen Curry, babalik sa Pinas sa September 5

25

Magbabalik-Pinas si two-time NBA Most Valuable Player Stephen Curry sa September 5.

Ito ang kinumpirma ng footwear company na Under Armour sa social media.

Ang pagbisita sa bansa ni Curry ay bahagi ng kanyang three-city tour in Asia kung saan kabilang din sa kanyang pupuntahan ang Tokyo, Japan at Wuhan, China.

Taong 2015 pa nang huling bumisita sa Maynila si Curry.

Habang nito lang weekend nang dumating sa bansa ang teammate niyang si Kevin Durant para sa kanyang KD hypercourt team all star challenge kung saan ibinahagi niya ang kanyang skills sa paglalaro.

Facebook Comments