Manila, Philippines – Patungo ngayong araw si Department of Education Secretary Leoner Briones sa Marawi City upang pangunahan ang Brigada Eskwela.
Bukas, May 23 gugunitain ang 1 taong anibersaryo ng pagsakop sa Marawi ng Maute-ISIS terrorist group.
Sa kauna-unahang pagkakataon papasukin ni Secretary Briones at iba pang opisyal ng DepEd ang Marawi upang makita ang ginagawang paghahanda ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan para sa pagbabalik eskwela sa Hunyo a-4.
Ayon kay Briones simula nang ideklara ng AFP na malaya na ang Marawi nuong Oktubre, agad na nilang sinimulan ang Brigada Eskwela sa layuning makumpuni agad ang mga nasirang mga paaralan.
Pero paliwanag nito hindi lahat ng paaralan ay magbubukas o magagamit ng mga estudyante sa pagbubukas ng klase dahil marami sa mga ito ang winasak ng gyera.
Sa datos ng DepEd sa kabuuang 69 schools sa Marawi, 20 dito ang sira o hindi na maaari pang mapakinabangan.