BIBISITAHIN | Mga biktima ng malaking sunog sa Jolo Sulu, dadalawin ni Pangulong Duterte

Personal na bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biktima ng malaking sunog na naganap sa Jolo Sulu kamakailan lang.

Inaasahang tutulak ang Pangulo ngayong hapon sa Sulu kasama si Special Assistant to the President Secretary Bong Go para ibigay sa mahigit 5 libong pamilya na nabiktima ng sunog.

Ito na ang maituturing na sunog sa Jolo mula noong 1970 kung saan natupok nito ang nasa higit 3500 bahay at tumagal ng mahigit 6 na oras kung saan naapektuhan ang 15000 indibidwal.


Ito lang ang nagiisang schedule ni Pangulong Duterte ngayong araw kung saan inaasahan din naman na magbibigay ito ng pahayag sa mga nabiktima ng malaking sunog.

Facebook Comments