BIBISITAHIN | PNP Chief Oscar Albayalde, nakatakdang bumisita sa Marawi City

Manila, Philippines – Nakatakdang bumisita si Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde sa lungsod ng Marawi City.

Ayon kay Albayalde, nais niyang personal na kamustahin ang sitwasyon sa Marawi City at alamin ang kondisyon ng mga pulis na nakatalaga rito.

Bukod sa Marawi City, plano ring bisitahin ni Albayalde ang iba pang himpilan ng PNP bilang bahagi ng personal na paga-accounting sa kapulisan.


Paliwanag ng bagong PNP Chief, aalamin niya kung 100 percent na nagre-report sa trabaho ang mga pulis at kung ginagawa ng mga ito ng maayos ang kanilang mga tungkulin.

Facebook Comments