Bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nabiktima ng Landslide sa Naga City sa Cebu na ikinamatay ng hindi bababa sa 15 indibidwal.
Inaasahan na haharapin ni Pangulong Duterte ang hindi bababa sa 300 pamilya na naapektuhan ng landslide na ngayon ay nasa 4 na evacuation centers.
Para naman dalawin ang mga biktima ay kinansela ni Pangulong Duterte ang pagdalaw nito sa silver anniversary ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o sa OPAPP na gagawin sana sa Pasay City.
Ayon naman kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, lalong nagalit si Pangulong Duterte sa operasyon ng mining tulad ng pagmimina dahil sa magkasunod na insidente ng landslide kung saan ang nangyari sa Naga City sa Cebu ay posibleng resulta ng quarrying sa lugar dahil hindi naman ito direktang naapektuhan ng nagdaan na bagyong Ompong.