
Isinusulong ng Senate Minority Bloc na gawing bukas sa publiko ang lahat ng deliberasyon ng bicameral conference committee.
Sa Senate Joint Resolution no. 1, ang pagbubukas ng bicam sa publiko ay layong matiyak ang transparency at accountability sa pagsasabatas ng mga panukala.
Nakasaad sa resolusyon na ang bicam proceedings ay dapat bukas sa lahat “in person” man o sa pamamagitan ng digital livestreaming.
Hinihingi ring requirement sa resolusyon ang pagpo-produce ng matrix na nagkukumpara sa pagkakaiba sa mga bersyon ng panukala ng Senado at Kamara at kung paano ito mareresolba.
Hinihingan din ang bicameral conference committee ng “minutes of meeting” na gagawing available sa publiko.
Itinulak ng minorya ang pagsasapubliko sa bicam deliberations dahil ang 2025 national budget ay tadtad umano ng iregular na insertions.









