Muling magdaraos ngayong araw ng pagdinig ang bicameral conference committee para sa 2025 General Appropriations Bill (GAB).
Gaganapin ito ng alas-10 ng umaga sa Manila Hotel kung saan ilalatag ang mga napag-usapan at napagkasunduan sa binuong technical working group.
Ayon kay Senator Grace Poe, Chairperson ng Senate Committee on Public Services, bukas ang bicam sa media at tatalakayin dito ang ilang mga puntos na mabusising pinagdebatehan ng Senate at House contingent.
Inaasahang naplantsa na sa pagkakataong ito ang mga nagbabanggaang probisyon ng magkaibang bersyon ng Senado at Kamara sa budget partikular sa usapin ng pondo ng Office of the Vice President (OVP) na nais padagdagan ng Senado at ang pondo ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) na tuluyang inalis ng mga senador at inilipat sa ibang social programs.
Target na bago mag-adjourn ang sesyon sa December 18 ay naaprubahan at naratipikahan na ng Kongreso ng bicam report sa ₱6.352 trillion na pambansang pondo sa susunod na taon.