Friday, January 23, 2026

BICAM ng budget, ipagpapatuloy ngayong araw; Senado, tiwala pa ring maisasabatas ang 2026 National Budget bago matapos ang taon

Itutuloy ngayong araw ang deliberasyon ng bicameral conference committee para sa panukalang 2026 National Budget.

Kahapon ay pinakansela ng Senate contingent ang bicam meeting bunsod ng hindi nila pagkakasundo ng Kamara sa tapyas sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nakipagpulong ang senador kay BICAM Co-Chair Congw. Mikaela Suansing at kay DPWH Secretary Vince Dizon para maresolba ang deadlock sa DPWH budget.

Gusto ng mga kongresista na ibalik ang ibinawas ng Senado na P45 billion sa DPWH budget para sa infrastructure projects na mariin namang tinututulan ng mga senador.

Magdaraos pa ng bicam deliberations sa Miyerkules at posibleng sa Lunes, December 22 ay mararatipikahan na ang panukalang budget sa Senado at Kamara.

Tiniyak naman ni Gatchalian na kahit wala na silang schedule ay maisasabatas pa rin ang 2026 national budget bago matapos ang taon.

Facebook Comments