
Tuloy na muli ngayong hapon ang bicameral conference committee para sa 2026 national budget.
Sa bicam ngayong araw ay hindi muna tatalakayin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) budget matapos magka-deadlock dahil sa ₱45 billion na nais ipabalik sa pondo ng ahensya.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, ibang ahensya muna ang kanilang tatalakayin sa ngayon at magskip muna sa DPWH.
Samantala, kumpyansa si Gatchalian na may sapat na oras pa at kakayanin pang mapagtibay at maratipikahan ang 2026 budget bago matapos ang taon.
Tungkol naman sa hirit na ibalik ang ₱45 billion na ibinawas sa DPWH budget, sinabi ni Gatchalian na pagaaralan muna niya ang isinumiteng datos ng ahensya sa adjustment factor at presyo ng proyekto sa ilalim ng national budget.









