Bicam proposal para sa mas mataas na budget sa edukasyon, resulta ng mga pagkilos ng mga kabataan

Ikinalugod ni House Assistant Minority Leader at Kabataan Rep. Renee Co ang pagsasapinal ng bicameral conference committee sa mataas na budget para sa sektor ng edukasyon sa susunod na taon.

Giit ni Co, resulta ito ng deka-dekadang pagkilos ng mga kabataan kaya sana ay huwag angkinin at ipagyabang ng sinumang politiko o ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Co, ang hakbang ng bicam ay nasa tamang direksyon tungo sa pagkamit ng inaasam na basic education nutrition, feeding and mental health programs, konstruksyon ng 165,000 classrooms sa elemtarya at high school at scholarships para sa mga kwalipikadong estudyante sa kolehiyo at ng Technical and Vocational Education and Training.

Ipinunto ni Co na kada taon ay puro gaslighting ang sagot ng mga opisyal sa mga estudyante na wala na raw pondo, pero malinaw ngayon na meron pala at kaya naman pala.

Welcome rin kay Co ang commitment na malaanan ng alokasyon ang kakulangan ng pondo para sa free higher education deficiency at ang iba pang prayoridad na mga programa at pasilidad para sa state universities and colleges.

Facebook Comments