Manila, Philippines – Niratipikahan na ng Senado ang bicameral conference report ukol sa panukalang pagbuo ng national framework kontra sa sakit na cancer.
Ayon kay Senador JV Ejercito – ang bicam report ay ang pinag-isang bersyon ng Senate Bill 1850 o National Integrated Cancer Control Act at House Bill 8636.
Kapag naging batas, ang mga Pilipinong lumalaban sa sakit ay mabibigyan ng malawak na access sa cancer treatment at facilities.
Aniya, maihahatid na sa mga underprivileged at marginalized Filipinos ang pantay-pantay at abot-kayang serbisyong pagpapagamot.
Layunin din ng panukala na mabawasan ang bilang ng mga namamatay dahil sa cancer at maiwasan ang pagkakaroon nito.
Ang cancer ay ikatlo sa nangungunang dahilan ng kamatayan ng ilang Pilipino.