Niratipikahan na ng Mababang Kapulungan ang Bicameral Conference committee report ng House Bill 7939 at Senate Bill 1480.
Ito ay ang panukala na magtataas ng buwanang disability pension ng mga beterano.
Nakapaloob sa panukala na itataas sa ₱4,500 hanggang ₱10,000 ang kasalukuyang disability pension rate na mula ₱1,000 hanggang ₱1,700.
Ang mga beterano na walang service-connected disability ay bibigyan ng buwanang pensyon na ₱1,700 pagsapit ng kanilang ika-70 kaarawan.
Inaasahang pakikinabangan ang panukala ng 4,386 pensionado oras na maging ganap na batas.
Facebook Comments