Bicam report sa 2023 National Budget, niratipikahan na ng Mababang Kapulungan

Niratipikahan na ng Mababang Kapulungan ang Bicameral Conference Committee report ng 2023 National Budget na nagkakahalaga ng ₱5.268 trillion.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co, sa ilalim ng 2023 budget ay nilaanan ng pondo ang “Libreng Sakay Program” sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr), gayundin ang fuel subsidy program at bike lanes project.

Ayon kay Co, nilagyan din ng alokasyon ang mga specialty hospitals bilang pagtupad sa pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magtayo ng mas maraming specialty hospitals sa buong bansa.


Binanggit ni Co na nais ni PBBM na magtayo ng malalaking ospital sa buong bansa lalo na sa mga probinsya para mapahusay ang pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan.

Sabi pa ni Co, may ₱10-B din na nakapaloob sa 2023 budget para sa pagsasaayos ng mga tulay at mga school buildings na napinsala ng nagdaang mga kalamidad.

Dagdag pa ni Co, kasama ding naiprayoidad sa 2023 budget ang edukasyon kung saan bukod sa mga pribadong eskwelahan ay may nailaan ding pondo para sa mga pribadong paaralan.

Facebook Comments