Bicam report ukol sa Vape Bill, niratipikahan na sa Senado

Niratipikahan na ng Senado ang Bicameral Conference Committee report hinggil sa “Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act” na tinatawag ding Vape Bill.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, target ng panukalang batas na i-regulate ang paggamit ng vaporized nicotine products, non-nicotine at novel tobacco products.

Diin ni Recto, layunin ng panukalang hikayatin ang mga naninigarilyo na magkaroon ng alternatibo na ‘less harmful” o mas hindi nakakasama sa kalusugan.


Nilinaw ng senador, na hindi kasama sa intensyon ng panukala na baguhin ang lifestyle ng publiko lalo na ang mga menor de edad na pinagbabawalan ngayon na magkaroon ng access sa nabanggit na mga produkto.

Nakapaloob sa panukala ang pag-regulate sa importasyon, bentahan at paggamit ng vape products gayundin ang pagbabawal na bentahan ang mga wala pang 18 taong gulang.

Inaatasan din ng panukala ang Department of Trade and Industry (DTI) na makipag-uganayan sa Food and Drug Administration (FDA) para gumawa ng technical standards para sa mga vape product na papayagang ibenta sa merkado.

Pinaglalatag naman ng panukala ang Department of Health (DOH) ng guidelines at awareness campaign ukol sa epekto ng vape sa kalusugan.

Facebook Comments