Bicameral conference committee report tungkol sa national ID system, niratipikahan na

Manila, Philippines – Niratipikahan na ng Senado ang bicameral conference committee report tungkol sa panukalang batas na magtatatag ng Philippine Identification System.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, principal author ng panukala, ang consolidated version ay ipapadala agad sa Malacañang para mapirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, isinulong niya ang panukala sa apat na nag daang administrasyon pero sa administrasyon lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ito naaprubahan.


Sinabi ni Lacson, pumayag ang Kamara na i-adopt ang bersyon ng Senado.

Sa ilalim ng panukalang batas, magkakaroon na lamang ng iisang ID para sa mga transaksyon sa lahat ng ahensya ng gobyerno maging sa mga private institutions.

Nasa 25 billion pesos initial fund na ang inilaan sa Philippine Statistics Authority (PSA) para sa pagpapatupad ng batas.

Facebook Comments