Target ng Senado at Kamara na maratipikahan na bukas (December 9) ang bicameral panel report sa panukalang 4.5 trilyong pisong National Budget para sa 2021.
Ayon kay House Committee on Appropriations Chairperson Eric Yap, magkakaroon muna ng Bicam bukas ng umaga at pagkaraan nito ay isasara na ang diskusyon sa budget.
Committed naman aniya sila ni Sen. Sonny Angara, Chairman ng Senate Committee on Finance na maratipikahan na ang budget kaya umaasa silang wala nang magiging isyu sa ibang mga mambabatas.
Nabatid na pagkatapos na maratipikahan ng dalawang kapulungan, kailangan pa ng sampung araw para sa printing ng mga dokumento bago ipadala kay Pangulong Rodrigo Duterte at malagdaan nito.
Facebook Comments