Bicol International Airport domestic operation, sisimulan na sa October 7 ayon sa DOTr

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na sisimulan na ng Bicol International Airport (BIA) ang operasyon nito para sa mga domestic flight sa October 7 ngayong taon.

Batay sa pahayag ng DOTr, as of October 3 ay nasa 92.56 percent nang gawa ang nasabing airport.

Kung saan kabilang dito ang passenger terminal building, administration building, runway extension, air traffic control building, crash fire rescue building, cardo terminal building at power house building.


Habang ang passenger boarding bridge ay target namang tapusin ngayong araw.

Sinabi rin ng DOTr na ang BIA ay kayang mag accommodate ng 2 milyong pasahero kada taon at maaari ding magbukas ito ng maraming job opportunities.

Facebook Comments