Bicol region, aabot sa ₱60 billion ang flood control projects

Aabot sa mahigit ₱60 billion ang flood control projects sa Bicol region sa loob ng dalawang taon.

Ito ang sinabi ni Senator Joel Villanueva sa gitna ng matinding pagbaha dahil sa Bagyong Kristine, sabay giit na hindi totoong ₱9 billion lamang ang flood control projects sa Bicol region.

Sinabi ni Villanueva, sa 2023 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay may ₱29.4 billion para sa flood control at ngayong 2024 ay ₱31.8 billion kung saan sa kabuuang ₱61.2 billion para sa Bicol region.


Kinukwestyon ng mambabatas kung saan napunta ang napakalaking pondong ito kumpara sa nakitang naranasang matinding pagbaha sa Bicol region nitong mga nakalipas na araw.

Sinabi ni Villanueva na sa pangkalahatan ay gumagastos ang gobyerno ng ₱1.44 billion kada araw para sa flood control.

Facebook Comments