Nagawa ng mga health units sa Bicol Region na makapagturok ng 21,142 doses ng COVID-19 vaccines o may 100.2% utilization rate.
Ito ang anunsyo ng National Task Force (NTF) against COVID-19 kahit 21,100 doses lamang para sa first dose vaccination ang naibigay sa rehiyon.
Ayon sa NTF, mayroong sobrang 42 doses mula sa vials ng AstraZeneca vaccines na ipinamahagi sa Bicol Region.
Ang isang vial kasi ng AstraZeneca vaccine ay naglalaman ng 10 doses standard.
Nakapagsumite na ang AstraZeneca ng revised product label na pinapayagan ang paggamit ng sobrang doses mula sa mga apektadong vials.
Ibig sabihin, nagamit nang husto at nang wasto ng Region 5 ang mga natanggap nilang vaccine doses.
Pero kailangan pa ito ng official guidance mula sa Food and Drug Administration.