Naghahanda na ang awtroridad, maging ang mga residente sa Bicol Region sa posibleng pagtama ng Bagyong Tisoy.
Ang mga bayan ng Lagonoy, Garchitorena, at Caramoan sa Camarines Sur ang mga unang bayan na inaasahang tatamaan ng Bagyo.
Nakataas na ang Red Alert sa Camarines Sur at nagpatupad ng Force Evacuation sa mga kritikal na lugar.
Binabantayan na rin ang mga posibleng flash floods at landslides.
Sa Naga City, naghahanda na rin ang mga lokal na pamahalan para sa Bagyo.
Mula sa 27 Barangay, nasa 10 ang nasa close monitoring dahil sa banta ng pagbaha.
Ipinatupad na rin ang No-Sail Policy sa siyudad.
Inatasan na ng DILG ang lahat ng Regional Offices na magpatupad ng Proactive Measures.
Nakahanda na ang halos 300,000 Family Food Packs at 6,000 bag ng bigas.
Nagbigay na rin ang Mines and Geosciences Bureau ng listahan ng Landslide-Prone Areas.