Pinasimulan na ang ceremonial sandbar dredging at bamboo planting sa kahabaan ng Bicol River bilang bahagi ng malawakang rehabilitasyon.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR)Undersecretary Rodolfo Garcia, inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang pagtatayo ng pitong flood control projects at rehabilitasyon ng flood gates at pumping stations sa kahabaan ng Bicol River system.
Aniya, natukoy na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang sampung lugar para sa madaliang paghuhukay na tinatayang may volume na 1.63 million cubic meters ng sandbars.
Ang Bicol River ang pangwalo sa pinakamalaking ilog sa bansa kung ang pag-uusapan ay ang drainage basin size.
Ang kapasidad ng drainage ng Bicol River ay labis na nabawasan partikular na sa downstream section.
Ang average width ng Bicol River ay 80 meters ngunit kumitid ito ng 55 meters na siyang nagiging dahilan ng malawakang pagbaha sa mga karatig na lugar sa rehiyon.
Ninety percent ng Bicol River ay nasa Camarines Sur at Albay habang ang natitirang bahagi ay sa Camarines Norte.