Bicycle lane, dapat munang buksan sa motorcycle riders habang isinasagawa ang planong rehabilitasyon ng EDSA —motorcycle dealers

Isinusulong ng motorcycle dealers sa Department of Transportation (DOTr) na buksan muna para sa motorcycle riders ang lane na laan para sa mga bisikleta sa panahon ng gagawing rehabilitasyon sa kahahaan ng EDSA.

Ayon kay Edwin Go, presidente ng Motorcycle Dealers Association of the Philippines (MDAP), hindi na gaanong nagagamit ng mga bikers ang bicycle lane kayat dapat sana ay ipagamit din ito sa mga motorsiklo sa panahon ng rehabilitasyon.

Makatulong aniya ito na makabawas sa matinding traffic na lilikhain ng naturang aktibidad.


Dagdag ni Go, kailangang pag-usapang mabuti ang EDSA rehabilitation dahil madami ang maaapektuhan nito hindi lamang ang kabuhayan ng maraming Pilipino at ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments