Bicycle lanes sa major roads, dapat madaliin

Buo ang suporta ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pagkakaroon ng bicycle lanes sa mga pangunahing lansangan.

Umaasa si Drilon na mamadaliin ito ng gobyerno dahil malaking tulong ito sa transportasyon ng publiko habang may pandemya at limitado ang masasakyan.

Mungkahi ni Drilon, maglagay muna ang pamahalaan ng temporary o pansamantalang bicycle lanes sa mga lansangan habang inaatantay pa ang disensyo at konstruksyon nito.


Diin ni Drilon, sulit ang bawat sentimo na gagastusin sa paglalagay ng bicycle lanes.

Inihalimbawa ni Drilon ang ginawa sa kanyang lalawigan sa Iloilo City kung saan epektibong nagagagamit ng mga papasok sa trabaho ang bicycle lanes lalo na ngayong apektado ng pandemya ang lagay ng tranportasyon.

Facebook Comments