BICYCLE SAFETY SA SIYUDAD, ISINUSULONG!

Baguio, Philippines – Aprubado sa unang pagbasa ang isinusulong ni Baguio City Councilor Mylen Yaranon na batas patungkol sa paglalagay ng safety reflectors sa harap at likod ng bisikleta at electric scooters, paggamit ng helmet ng mga cyclist at scooter riders at mga penalty sa mga hindi susunod sa naturang ordinansa.

Nakapailalim sa naturang ordinansa o ang “Bike Safety Ordinance,” at kung maipapasa ito bilang batas, ang regular na pagsusuot ng mga bikers ng reflective vests at helmets; at ang paglalagay ng safety reflectors sa harap at likod na ilaw ng mga bisikleta at electric scooters. Ang mahuhuling hindi susunod sa ordinansa ay bibigyan ng citation ticket at pagbabayarin ng multang nasa higit P100 hanggang P500 na may kasamang community service na 240 oras sa loob ng barangay kung saan nakaritira ang nahuli.

Ang Traffic Management Unit ng Baguio City Police Office (BCPO) ang siyang hahalili sa implementasyon nito sa lungsod.


Ayon sa konsehala, bilang isang parte sa pagiging bike friendly environment ng siyudad, mainam na bigyan ng safety requirement ang mga bikers at electric scooter enthusiasts para maprotektahan ang kanilang sarili sa tiyak na kapahamakan sa kalsada.

Facebook Comments