BIDA 2018 umarangkada na sa BULDON

Bumuhos ang ibat ibang serbisyo para sa mga residente ng Buldon sa Maguindanao kasabay ng isinagawang BIDA Program o Buldon Integrated Development Activities na pinangunahan ng mga opisyales ng LGU.

Itinampok sa BIDA ang free check – up and medicines, tooth extraction, libreng gupitan, drug testing at isinabay na rin ang Municipal Peace and Order Meeting at pagbibigay reports ng mga ahensya ng LGU, venue ng aktibidad ang Brgy. Mataya .

Bisita sa aktibidad sina Maguindanao PNP Director SSupt Agustin Tello at 37 th IB Commanding Officer Lt. Col. Florencio Pulitod Jr. na kapwa nagpaabot ng pagsuporta sa mga inisyatiba ng LGU Buldon. Present rin ang mga taga religious sector, education sector at mga heads ng LGU.


Layun ng BIDA program na iabot na mismo sa mga residente ng bayan ang kanilang mga serbisyo ayon pakay Mayor Abolais Manalao sa panayam ng DXMY RMN Cotabato. Ito ang kauna unahang BIDA Program para sa taong 2018.

Di naman maisalarawan ang kasayahan ng mga residenteng naka avail ng ibat ibang services mula sa LGU.



Facebook Comments