Manila, Philippines – Ang kakulangan ng partisipasyon ng komunidad ang naging kahinaan ng first quarter Nationwide Earthquakes Drill.
Ito ang naging assessment ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Sa panayam ng media, inihalimbawa ni Lorenzana, ang scenario sa Quezon City na natupok ang isang bahay at napansin niya na nag antay lamang ng responde ng bumbero ang komunidad.
Hindi man lamang kumilos mula sa pang unang pag-apula hanggang sa evacuation.
From scale na 1 to 10, 9 ang grado na ibinigay ni Defense Secretary Delfin lorenzana sa 1st quarter earthquake drill.
Hindi naman aniya kahinaan ito dahil sa pagdatal ng malakas na lindol ,hindi naiiwasan na magkasunog na malimit ay sunod-sunod.
Naniniwala si Lorenzana na marami pa ang dapat na pag-igihin o i-improve sa regular na pambansang drill.
Aniya, gagawin na tuwing bawat hati ng taon ang drill upang maging bahagi na ito ng sistema ng buong komunidad.