Magkatuwang na inilunsad ngayong araw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Health (DOH) ang national advocacy campaign ng gobyerno na “Bida ang may Disiplina: Solusyon sa COVID-19”.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, layon ng kampanya na ipaalam sa mga mamamayan na disiplina at tamang asal ang susi para masugpo ang pandemya.
Kaugnay nito, hinikayat ng kalihim ang lahat ng mga Local Government Unit (LGU) na mag-organisa ng Disiplina Brigades sa lahat ng mga barangay sa buong bansa para hikayatin ang mga residente nito na sumunod sa health standards.
Ang Disiplina Brigades ay dapat na binubuo ng community members kabilang ang mga barangay tanod na siyang magpapaalala sa mga residente ng health protocols at pupuna sa mga violator.