Inilunsad ang mga programa na kampanya laban droga ng Department of Interior and Local Government o DILG na BIDA, or Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan at ang HAPAG o ang Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay.
Dinaluhan ang nasabing programa kasama ang mga kawani at opisyales mula sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan ng lalawigan maging ang hanay ng DILG, PDEA, PNP, Panlalawigan Chairman on Agriculture, Public Order and Safety, OPAG at iba pa.
Layon ng BIDA program na mapuksa ang kaso ng droga, magkaroon ng paggabay lalong lalo na ang mga taong nasangkot sa ipinagbabawal na gamot, habang ang HAPAG naman ay upang matugunan ang kahirapan na kinakaharap ng mamamayan sa pamamagitan ng ng food security sa lokal na komunidad.
Samantala, ilan pang mga aktibidad ang naganap ang kasabay din ng paglulunsad ng BIDA at HAPAG. (Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan at Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay.) |ifmnews
Facebook Comments