‘BIDA AT HAPAG’, PINAGHAHANDAAN NA NG PROVINCIAL GOVERNMENT NG PANGASINAN; ILANG PROGRAM LAUNCHING, IKINASA

Pinangunahan ng mga matataas na opisyal ng Pangasinan sa tulong ng iba’t-ibang ahensiya ang paghahanda para sa provincial launching ng mga programang ‘Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA)’ at ‘Halina’t magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG)’ na gaganapin sa ika-12 ng Mayo 2023.
Sa isinagawang pagpupulong nito lamang Abril 14 sa ceremonial hall ng Urduja House, inilatag ang mga activity highlights para sa paglulunsad na dalawang mahalagang proyekto na ito.
Ang BIDA program na inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ay isang multi-sectoral campaign kontra sa illegal na droga samantalang ang HAPAG naman ay isang ‘urban planning project’ ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos na naglalayong higit na palakasin ang kapasidad ng bawat barangay sa pamamagitan ng “sustainable agriculture” at turuan ang bawat pamilya na maging “self-sufficient.”

Ilan sa mga highlights ng program launching ay Tiktok presentation at HAPAG table setting ng mga lokal na pamahalaan sa mismong araw ng paglulunsad.
Dumalo sa naturang pagpupulong PNP Pangasinan, LGU Lingayen, PDEA representative, ilang provincial government department heads, at mga kinatawan ng local government units (LGUs) sa Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments