BIDA Program sa Buldon umarangkada

Libong mga residente mula sa mga liblib na mga barangay ng Buldon Maguindanao ang nakabiyaya sa isinagawang libreng gamutan.

Kinabibilangan ng Brgy. Minabay, Karim at Piers ang napagkalooban ng libreng check up at mga gamot maliban pa sa isinagawang libreng gupitan .

Ang aktibidad ay isa sa mga programa ng LGU na naglalayung ipaabot o ibaba sa mismong mga residente ang serbisyo ng pamahalaan o ang Buldon Integrated Developmental Activity (BIDA) Program.


Pinangunahan mismo ni Buldon Mayor Abolais Manalao ang aktibidad kasama ang mga opisyales ng LGU, Col. Jun Pulitod ng 37th IB, CIns Sandro Ampad ng Buldon MPS , at mga heads ng ibat ibang ahensya.

Sulit naman ang halos anim na oras na paglalakad ng mga ito para lamang matungo at malaman ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang mga kababayan ayon pa kay Mayor Manalao. (DENNIS ARCON)

Facebook Comments