Baguio, Philippines – Dalawang malalaking korporasyon na kwalipikadong bidders sa rehabilitasyon ng Baguio City Public Market,sa pamamagitan ng Private-Public Partnership (PPP) deal, sinusuri na ng Public-Private Partnership for the People (P4).
Ayon kay Baguio City Administrator Boni Dela Peña, sumang-ayon ang lokal na gobyerno sa PPP deal, para hindi maging mas magastos o hindi na kailangang umutang ang syudad sa pagsasa-ayos at pagpapaganda ng public market.
Sa ibinigay na development proposal ng SM Prime Holdings Incorporated at Robinson’s Corporation, nakasaad na lima hanggang anim na bilyong piso ang nakahandang development cost para sa pagpapaganda ng merkado pampubliko.
Samantala, nagbigay din ng Development proposal ang kooperatiba ng palengke na may 2.5 hanggang tatlong bilyong piso na nakahanda rehabilitasyon ng palengke ngunit na-diskwalipika ang kanilang proposal dahil sa kulang at nakakaduda ang ilang mga legal papers ng mga ito kung saan kulang sa commercial value taliwas sa malalaking kumpanya at nanggaling mula sa binayad na renta ng mga vendors ang nasabing pera.