Bidding activities ng DPWH, mapapanood na ng publiko sa pamamagitan ng online streaming

Maaari nang mapanood ng publiko sa pamamagitan ng online streaming ang bidding activities ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Public Works Secretary Mark Villar, ipinag-utos na niya ang pag-broadcast ng DPWH procurement process sa livesteam na mapapanood sa social media platforms o sa official website para maiwasan ang anumang iregularidad.

Aniya, pwedeng panoorin ng simunan ang procurement process sa ilalim ng Republic Act no. 9184 o Government Procurement Reform Act at sa nirebisang Implementing Rules and Regulations nito (IRR).


Ang hakbang na ito ay para sa transparency at accountability alinsunod sa Administrative Order no. 34 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng Department Order 105 na inisyu ni Villar, ang lahat ng implementing offices ay kailangang tiyakin ang transparency sa procurement ng infrastructure projects sa pagpo-post sa official website o social media platforms ng sumusunod na impormasyon.

–              Project name

–              Approved budget para sa contract

–              Contract period

–              Pangalan ng bidder at official business address

–              Halaga ng ginawad na kontrata

–              Petsa ng award at acceptance

–              Implementing office/unit/division/bureau

Facebook Comments