Bidding para sa gagawing 5 mega projects sa Zamboanga Peninsula, binuksan na ng DPWH

Magsasagawa na ng Public Bidding ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa procurement stage ng 5 mega project na magbibigay daan sa maginhawang pagbabyahe ng mga motorista at daloy ng kalakal sa Region 9.

Ayon sa DPWH, kapapalooban ng mga tulay at kalsada ang nasabing proyekto sa ilalim ng Improving Growth Corridors for Mindanao Road Sector Project.

Ayon sa DPWH, bahagi ng proyekto ang pagtatayo ng mahigit 7 kilometrong Gutalac-Baliguian Alternative Road at R.T. Lim-Siocon Road na kapapalooban ng 7 tulay sa Zamboanga del Norte.


Mahigit 33 kilometrong Curuan-Sibuco Road na kapapalooban ng 2 tulay sa Zamboanga City at Zamboanga del Norte.

Halos 19 na kilometrong Siay-Gapol Road na kapapalooban ng 3 tulay at ang Guicam Bridge sa Zamboanga Sibugay na kapapalooban ng tulay na magkukunekta sa Lutiman, Zamoboanga Sibugay at Olutanga Port.

Sa January 23, 2020 gaganapin ang bidding para sa mga kwalipikadong kontratista.

Facebook Comments