MANILA – Sinimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang bidding para sa mga bib vests na gagamitin ng mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors (BEI) sa Eleksyon sa Mayo 9.Aabot sa mahigit 350,000 na bib vests ang kakailanganin ng COMELEC na susuotin ng mga gurong magbabantay sa mga presinto habang collared shirts naman ang gagamitin ng mga kawani ng Poll Body.Nabatid na nasa P26 Million ang inilaang budget para sa procurement nito.Bukod sa mga uniporme – umarangkada na rin ang bidding para sa 100,000 na piraso ng gunting para sa paggupit ng Voter Receipts.Nauna nang inutusan ng Korte Suprema ang COMELEC na mag-imprenta ng mga resibo sa bawat balotang babasahin ng Vote Counting Machines.Nag-ugat ang kautusan ng Mataas na Hukuman sa petisyon ni Senatorial Candidate Richard “Dick” Gordon na paganahin ang Voter Verified Paper Audit Trail.
Bidding Para Sa Mga Vests Na Gagamitin Ng Mga Magsisilbing Board Of Election Inspectors – Sinimulan Na
Facebook Comments