Bidding para solusyunan ang mataas na power demands, hiniling ng isang kongresista

30

Hinimok ni Committee on Energy Senior Vice Chairman Albee Benitez ang mga power distribution utilities na magsagawa na ng bidding sa power demands sa lalong madaling panahon para maiwasan ang nagbabadyang power crisis sa bansa.

 

Ang panawagan ay ginawa ng kongresista matapos maglabas ng desisyon ang Korte Suprema na ang lahat ng power supply agreements (PSAs) ng mga power utilities ay magiging subject na sa mandatory Competetive Selection Process.


 

Napapanahon aniya ang ruling na ito ng Supreme Court gayong may nagbabadyang power crisis sa Pilipinas dahil tumatanda na rin ang mga power generators na ginagamit ngayon.

 

Sinabi ng kongresista na obligasyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) at ng mga distribution companies sa publiko na kaagad na magsagawa ng bidding dahil na rin sa mataas na power demands.

 

Dahil dito, hihimukin niya si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na magpatawag ng meeting sa ERC at power utilites para matiyak ang mabilis na implementasyon ng bidding.

Facebook Comments

From Advertisers