Bidding sa LTO para sa mga plaka ng sasakyan, kinukwestyon

54

Manila, Philippines – Kukwestyunin sa Korte Suprema ng isang abogado ang isinagawang public bidding ng Land Transportation Office para sa mga plaka ng sasakyan na aabot sa siyam na raan siyam na put walong milyong piso.

Ayon kay Atty. Leo Romero, sa kabila ng mayroon siyang inihain at nakabinbin na manifestation at mosyon sa bids and awards committee ng LTO ay itinuloy pa rin nuong mierkules ang bidding sa mga plaka ng sasakyan.

Kabilang sa mga ipinupunto ni Atty. Romero sa mga miyembro ng BAC kung saan manggagaling ang pondo para sa plaka lalo pa at walang inilaan ang kongreso para rito sa inaprubahang general appropriations act of 2017.

Ibig sabihin labag aniya sa section 29 article 6 ng saligang batas ang paggamit ng pondo na hindi naman nakalaan para rito.

Kasunod nito, kinuwestyon rin ng abogado ang term of reference sa isinagawang bidding ay tila kahalintulad ng proposal ng dayuhan bidder na makikita umano sa company brochure nito na isinumite sa lto.

Dahil dito, lalabas na paborable sa isang bidder ang ginawang bidding dahil pasok sa kaniya ang mga itinakdang pamantayan ng BAC.

Si Atty. Romero ang abogado na umakyat nuong 2013 sa Korte Suprema para kwestyunin ang pagdodonate ng customs sa mga plaka sa LTO na kinumpiska mula sa isang provider dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.

Ipinunto ng petitioner ang inilabas na notice of disallowance ng COA na aabot sa limang daang milyong piso na dahilan ng pag-iisyu ng temporary restraining order ng Korte Suprema.

Maliban sa pag-akyat sa Korte Suprema, nananawagan din si Atty. Romero kay Pangulong Rodrigo Duterte na busisiin ang LTO.

Facebook Comments