Bidding sa pag-aangkat ng bigas ng National Food Authority, malapit ng masimulan

Manila, Philippines – Basbas nalang ng National Food Authority Council ang hinihintay para masimulan na ang pag-aangkat ng bigas.

Kailangan din aprubahan ng NFA council ang terms of reference sa government importation.

Ayon kay NFA Spokesperson Dir. Marietta Ablaza – sa ilalim ng tinawag na government to private importation, private rice exporters ang magbibid sa aangkating bigas ng ahensya.


Bukod sa private rice exporters – iminungkahi ng NFA na buksan din ang bidding sa mga government counterpart ng NFA sa Thailand at Vietnam.

Kapag naaprubahan na ito ng NFA council ang terms of reference – ilalatha na sa mga pahayagan ang bidding announcement.

Kailangan din sumunod sa bidding sa RA 9184 o ang Government Procurement Reform Act.

Sa nakalipas na tatlong taon sinabi ni Ablaza – government to government importation mode ang ginagamit ng NFA.

Una ng iginiit ng NFA – walang kakapusan ng suplay ng bigas lalo’t kakatapos lang ng tag-ani.

Kasabay nito – naghain na si Senate Committee on Agriculture and Food Chair Cynthia Villar para repasuhin ang rice importation policy ng gobyerno.
DZXL558

Facebook Comments