
Inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Maguindanao Provincial Field Unit, katuwang ang iba pang unit ng Philippine National Police (PNP) si “Ali Akbar” sa Cotabato City.
Ayon sa ulat na nakarating kay PBGen. Christopher Abrahano, acting Director ng CIDG, si “Ali Akbar,” ay kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter Karialan faction, No. 9 sa Regional Most Wanted list ng Bangsamoro Autonomous Region at No. 3 sa Provincial Most Wanted list ng Maguindanao del Sur.
Nabatid na mayroong nakabinbin na dalawang warrant of arrest ang suspek para sa kasong Murder at Frustrated Murder na inilabas ng RTC Branch 15, Shariff Aguak, Maguindanao noong Setyembre 16, 2024.
Batay sa rekord, dawit si Akbar sa serye ng gulo at patayan sa Mamasapano.
Nangako naman ang CIDG na tuloy ang kanilang pagtugis sa lahat ng most wanted at pugante sa bansa katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP).









