BIFF Member nakumpiskahan P 3.4 Miliion na halaga ng Shabu

Nakumpiskahan ng tinatayang nasa 3.4 Million Pesos na halaga ng shabu ang isang naarestong High Value Target sa buy bust operation ng PDEA BARMM sa bahagi ng Brgy. Pinguiaman Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Kinilala ni PDEA BARMM Director Juvenal Azurin ang naarestong suspect na si Jordan Rakim Alyas Abdul, 39 anyos na sinasabing myembro ng BIFF at most wanted dahil sa kasong Carnapping.
Labing isang malalaking sachet ng shabu na may timbang na 500 grams ang nakumpiska sa suspect.
Kasalukuyang himas rehas na ito sa Jail Facility ng PDEA BARMM at inihahanda na ang mga kaukulang kaso.
Naging katuwang ng PDEA BARMM sa matagumpay na oprasyon ang 2nd Mechanized Battalion, 1404th Regional Mobile Force Company (RMFC), Datu Odin Sinsuat Municipal Station at Regional Highway Patrol Unit BAR (RHPU BAR)
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments