BIFF member patay, 4 na iba arestado sa engkwentro kontra 34th IB

Patay ang isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) samantalang arestado naman ang apat na iba pa makaraang makipag sagupa sa tropa ng militar sa Midsayap, North Cotabato nitong weekend.

Sa impormasyon mula sa 6th Infantry Division (6ID) ,tinutukoy pa nila ang pagkakakilanlan ng nasawi samantalang nakilala lamang sa pangalang Maguindale ang isa mga nahuli na umanoy miyembro ng Daesh-inspired BIFF-Bungos faction.

Nagsimula ang putukan makaraang atakehin ng BIFF sa pangunguna ng isang Kumander OB10, sa ilalim ng Bungos Faction ang tropa ng 34th Infantry Battalion (34IB) sa liblib na Barangay ng Lomopog sa Midsayap. N agresulta ito sa 30 minutong palitan ng putok.
Kabailang sa nakarekober sa apat na BIFF members ang kanilang mga high powered firearms.
Nagpapatuloy pa ang military clearing operations laban sa BIFF sa Barangay Lomopog at karatig barangay.


PIC courtesy: Campulcero Liberator
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments