BIFF muling nambulabog, isang sundalo sugatan

Sugatan ang isang Army Private First Class matapos magkasabay na paulanan ng bala ng baril ang dalawang detachments sa Brgy. Iginagampong, Datu Unsay Maguindanao mag aalas onse kagabi.

Sa impormasyong ipinarating ng 601st Brigade sa DXMY ngayong umaga, bagaman magkasabay na hinarass ng BIFF ang Warhawk at Cliffhanger Detachments agad namang naitaboy ng military ang mga umatake.

Kinilala ang naging wounded na si PFC Ed Ryan Dumilod na tinamaan sa kaliwang kamay at kasalukuyang nagpapagaling na sa Camp Siongco Hospital habang di naman batid kung ilang ang casualty ng umatakeng rebelde.


Nagpapatuloy ang close monitoring ng military kontra sa mga planong pambubulabog ng mga elemento ng BIFF.
6th ID Pic

Facebook Comments