BIFF muling nambulabog sa AOR ng 6th ID

Muli na namang nagparamdam ang mga elemento ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers kontra sa mga elemento ng military sa Maguindanao.

Sinasabing unang binulabog ng mga ito ang army detachment ng 11 Mechanized na nakabase sa Masalay Ampatuan. Pinasabugan ito ng 40 mm at pinaulanan ng bala. Maswerteng walang may nasaktan sa insidente sa panayam ng RMN Cotabato kay 6th ID DPAO Chief Cpt. Arvin Encinas.

Sinundan ito kagabi, matapos hagisan ng Improvised Explosive Device ang harapang bahagi ng 601st Brigade sa Shariff Aguak. Maswerteng di sumabog ang IED na may sangkap na black powder at mga pako. Nagpaputok pa ng baril ang mga ito na sakay ng dalawang motorsiklo bago tuluyang tumakas.


Kaugnay nito bagaman minamaliit ang mga pinaggagawa ng BIFF , todo alaerto pa rin ang buong pwersa ng 6th ID.Samantala sa Datu Piang, nakarekober naman ng 50 Caliber Rifle mula sa tropa ni Kumander Buwaya ang military.

GOOGLE PIC

Facebook Comments