Sinalakay ng pinaniniwalaang grupo ng Bangsamoro Islamix Freedom Fighte(BIFF) ang isang komunidad sa lalawigan ng Maguinsanao kagabi. . Batay sa pahayag ni Lt. Col. Gerry Besana, Battalion Commander ng Civil Military Operation(CMO) ng 6th ID tatlong mga bahay ng mga katutubong Teduray ang sinunog umano ng mga miembro ng BIFF sa bayan ng Datu Hofer, sa Maguindanao pasado alas nuebe kagabi.
Wala namang nasaktan sa mga sibilyan. Subalit lumikas ang mga ito patungo sa ligtas na lugar.
Bunsod ng pag atake ay naglunsad ng airstrike ang 6th id sa nasabing lugar . Sa pahayag naman ni BIFF spokesperson Abu Misry Mama, wala silang ginawang pag atake sa bayan ng Datu Hofer , ang kanilang sinalakay ay ang military detachment umano sa Barangay Kabingi,sa bayan ng Datu Saudi, sa Maguindanao. Ayon pa kay Abu Misry ang naturang lugar ay dito unang nagkuta ang kanilang grupo sa pamumuno pa noon ng yumaong si Ustadz Ameril Umbra Kato. (Amer Sinsuat)
Biff muling sumalakay sa Maguindanao
Facebook Comments