BIFF responsable sa pambubulabog sa Upi

Malaki ang posibilidad na ang mga elemento ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers ang nasa likod ng tatlong insidente ng pagpapasabog sa KM 30 Upi Maguindanao noong madaling araw ng sabado na nagresulta ng pagkasugat ng 8 mga elemento ng mga otoridad.
Itoy base na rin sa mga debris na narecover at signature ng pag atake ayon pa kay Army Cpt. Arvin Encinas sa panayam ng RMN DXMY ngayong umaga.
Matatandaang unang pinasabugan ang PNP Detachment ng PPSC sinundan ng tulay at mga rumispondeng elemento ng MBLT5 (Marine Battalion Landing Team 5).
Sa ngayon ay nasa maayos ng sitwasyon ang mga naging sugatan na kinilalang sina PO2 Esmael Alabatm bf PPSC, Major Romulo Ducay, Corporal Ryan Cabual, Cpl Arnel Jiun, Cpl Oliver Albo , Cpl Alvin Sangadan , Privates 1st Class Johnny Panday at PVT Gerwin Perez ng MBLT5.
Mariin namang kinondena ng LGU Upi ang nangyaring insidente kasabay ng panawagang maging mapagmatyag ayon pa kay Ramon Piang, alkalde ng bayan.
Nakatakdang magsasagawa ng MPOC ngayong umaga. Nangyari ang insidente kasabay ng weeklong celebration ng Meguyaya Festival.
Maguindanao PNP Pics


Facebook Comments